Tuesday, November 13, 2012

unfinishedLoveStory


“Ang swerte siguro ng magiging boyfriend mo.” These were the lines that I could never get over with. Haler!!! Hindi ba pwedeng ikaw na lang yun??? Ayaw mo bang maging maswerte?? Takte naman talagang malagay sa friendzone. Nafriendzone dre!

Di ko alam ang feeling ng ma-fz. Pero grabe yun! Ang hirap pala. Ang sakit(drama much)..


Nagkaroon na ko ng dalawang boyfriend kaya masasabi kong kahit papano marami na rin akong natutunan pagdating sa relasyon. Pero ang pinaka hindi ko inaasahan eh yung malagay ka sa bingit ng pagiging friendzone.  First relationship ko lasted for four years pero wala, nauwi din sa hiwalayan dahil na rin sa kawalan ng tiwala. Sa pangalawa naman nagtagal yun ng seven months pero nawala din dahil sa nakakapagod ipaglaban ang taong di ka handang ipaglaban.

Too much with the introduction, lets just go start the story…

So after the breakup with my second bf malamang sa malamang sandamakmak na iyakan ang nangyari, hikbi dito, iyak dun, tulo sipon dito, muta dun(ewww)… At malamang din kapag single ka na ulit, mapapaligiran ka na naman ng mga taong single din na gumagawa ng “the moves”.  Di naman ako suplada, di ko lang siguro ineentertain ang isang complete stranger na wala talaga kaming connection kahit ano. So technically this guy that caught my attention, we have common friends.
Let’s just name him Paul, we go to the same school, same college and same year. We weren’t close back then in college years, simply because we’ve never been classmates. He is just a familiar face around the corner, someone I wouldn’t look at or hold my gaze at. Siguro dahil back then I am currently in a 4-year relationship that I thought would last, so I don’t have time looking at other guys.

So after graduation we finally got our own jobs, moved on from the past(my 1st and 2nd relationships). I was able to have new friends, officemates and friends via facebook. And while I was moving on, I met Paul. As I said nung simula pa lang, di siya complete stranger, dahil we have common friends. There’s this thread that was posted by random people asking one word to describe how they met. Then out of nowhere I commented on his post na nakita kong lumalabas sa news feeds ko. So I told him, COSMIT(college namin).. And he replied, masyado naman daw yatang common yun.. so I repharsed it-- “hallway”. And then naging laging ganun, post, comment, like.. then nagsimula ang chat ng sinabi niyang ang emo naman daw masyado ng mga posts ko, which is hilig ko lang talagang magpost or share na tipong alam kong may maglalike.. J and then nagpatuloy yun, lalo na yung panahon ng langhiyang habagat na feeling bagyo, dahil nga cancelled lagi ang pasok sa office. So nag-pm ako sa kanya kung may pasok siya.. then kwento.kwento at dun na nagsimula ang madalas naming pagchachat at kwentuhan. Nagbalak din kaming magkita, may mga pasimple siyang yaya na we could have coffee somewhere. He is just an outgoing person who likes to have fun as long as there would be a chance. I told him that I wintermelon tea, of course non other than Gongcha.  He said that haven’t tasted one but he knew that there is one near their place and we could maybe somehow meet there and just try it out and have a simple chat. He said that he thinks it would be worth a shot. Halos everyday nagkakausap kami, and what is sweet about him is that kapag hindi niya ko nasasagot sa chat or kung saan man he would pm me telling me he was sorry because he was just busy. Our conversation became frequent. I told him the story of my past relationships, of how they ended. He was like still not that open since we are not that close “yet” to tell his personal stories. But we are good friends.  Madalas ko siyang ayain sa tipong hindi siya makakapunta. Like tara pupunta kong Mcdo, pero alam kong nasa probinsya siya. O kaya naman tara mall tayo pero alam kong may pasok siya. Siguro di lang talaga ko sanay makipag meet dahil nga medyo loner ako “noon”. Umikot lang samin ng bf ko ang buhay.  Pero nakakatawa siya dahil sa tuwing niyayaya ko siya, nagpapanic siya dahil nga hindi siya pwede! Haha! Lakas trip lang ako diba? Gusto niya rin nga kasi akong makakwentuhan at makausap ng personal at malaman kung totoong makulit nga ko or hindi. Madalas din siyang maconcious sa damit niya, at may mga times na kapag kunyaring aayain ko siya eh, sasabihin niyang pangit ang damit niya, or nakatsinelas lang siya. J
One time nagkachat kami about sa mga random na bagay and ayaw niyang aminin sakin kung sino yung huling gf niya but at the end umamin din siya. 2nd gf niya si Anne at almost one year din sila. Haha! medyo naging personal na—love life niya na ang naungkat.  I asked him kailan ang huling date nila, sabi niya Feb. Eh back then may nabanggit  siyang ang huling date niya is June. So sino ang huling nakadate niya? Haha! So nahuli na nga, na he is dating someone pero hindi rin naman dahil komplikado, yung nakikipagmeet sa kanyang girl is taken at nagkikita sila behind the back of the current bf. Wala silang ginagawang masama, pero sabi nga niya di niya rin maintindihan yung girl dahil lagi siyang tinatakbuhan at madalas ayain at kahit ayaw niyang bigyan ng kulay nagkakaron pa rin.  Sabi niya sakin gusto niya lang masaya, at masaya naman sila pag magkasama, sabi ko naman, “hindi dahil masaya ka, tama na yun”. Ang happiness na nakuha mo out of masama is not complete happiness. Oo sige masaya ka na kasama siya, pero worth it ba? Tama ba? Kung nakakaramdam ka ng guilt sa ginagawa mo kahit masaya ka pa, hindi yun tama. Dahil alam mo at alam ko na mali, dahil you are dating and the boyfriend doesn’t know.  And somehow he was silent. Well sabagay hindi lang naman yun ang girl na dinedate niya. Friendly date naman kasi yung mga pinupuntahan niya. Sadly that night, maeexpire na ko kaya di na ko makakapag-ol, hiningi ko ang number niya, sabi ko text na lang. So ayun nagkatext nga kami dahil sobrang gusto ko siyang payuhan sa kalokohan at maling paniniwala niya tungkol sa happiness ekek niya!

Next chapter: Bigla siyang nagpm sakin one time. Out of nowhere sinabi niyang “thank you”, na tama ako, na mali siya. Na nag-aaksaya lang siya ng oras at panahon sa babaeng yun. At isa pa, meron pang girl na gusto niya pero parang maffz lang din siya. Di pa sila nagkikita kaya pag nagkita na sila, dun niya lang din malalaman. Madalas ko rin itukso si Paul sa bestfriend ko. Kasi kahit gusto ko siya, natakot akong pagnagkita kami eh di niya ko magustuhan. Pinakita ko yung pics ng friend ko at sabi niya pwede.

Next Part: One time napagtripan namin ng bez ko mag-moa. At ang pinakapapangarap naming ferris wheel, sabi namin sasakay kami dun pag libre. Niyaya ko siya, sabi ko magdidivisoria kami then moa. At pumayag naman agad siya, sabi ko pa nga libre niya kami sa ferris wheel. Pero sa huli sabi ko moa na lang. Sige daw, gusto niya lang din daw gumala. So ayun after mass, kumain kami ni bez, then sa moa na lang magkikita-kita nila Paul. Kahit nung kachat ko pa lang siya, eh somehow nadevelop na yung pagkakacrush ko sa kanya. And nung nakita ko siya. Okay cute siya(yun lang, haha! Cute naman kasi talaga, para sakin J haha!), matangkad 5 10’ at di naman siya na-op samin kasi outgoing naman siyang tao. So una naming ginawa nun is naglakad.lakad at libot libot, then hinihintay naming mag.gabi para makasakay sa ferris wheel dahil mas maganda nga naman sa gabi. Kaya tumambay muna sa sea side. Kwento-kwento lang, pero tabi sila ng bestfriend ko nun. Ang plano talaga is yung kasama niya sa ferris wheel is yung girl na may taken, kaya mas okay na rin daw na ako na lang para walang something. Actually may lakad din siya ng araw na yun. Niyaya siya ng isa niyang friend na si Cathy sa birthday nito. Pero di pa naman sila ganung kaclose kaya sabi niya mas okay samin siya sumama. Close naman sila pero yung mga pupunta kasi dun, di niya masyadong kaclose? So samin na nga siya sumama at di naman siya nagsisi na kami pinili niya. So nung naggabi na nga kumain muna kami, tunaw ng kaunti ng pagkain at tsaka lamang sumakay sa ferris wheel . Tawanan lang kami para mawala ang kaba. Gulatan at takutan, magugulatin kasi ang bestfriend ko kaya pag natatahimik, gugulatin ko siya tapos magugulat naman siya at mapapatili kaya di natatapos ang tawanan naming. Sobrang saya at nakita ko sa mata niya na nag-eenjoy talaga siya. Then sumakay din kami sa ibang rides dun at nag-mcdo na rin. Ng pauwi na kami, sumakay kami sa killer bus! Humihiwalay ang kaluluwa ko sa katawang lupa ko.

After ng araw na un, para kong nasa cloud 9. Sabi niya thank you dahil nag-enjoy siya ng sobra, masaya kaming kasama. Ako naman worried kasi baka pag kami na lang ang magkasama eh di na ganung kasaya. Gusto ko siya pero tinutukso ko siya sa friend ko kasi nga ayokong masaktan. Pero kung pwede ko lang siyang tuksuhin sakin bakit hindi. Then nagkatext kami , feeling ko lalo akong nagkakagusto sa kanya. At madalas akong magparinig sa gm na I’m falling for this guy. Nagdecide kaming magkita ulit niyaya ko siya manuod ng movie, dahil nga parang naturndown ko yung offer niya na sumakay sa ferris wheel ulit ng kami lang dalawa. Kasi ayoko dahil baka nga di ko siya mapasaya katulad ng marami kami so niyaya ko siyang manuod ng sine, biglaan nga eh, at malay ko ba naming papaya agad ang mokong.  

So ayun nga. Magkikita na kami, sabi niya nga wag kong bilisan, dahil uuwi pa siya. Pero nauna pa rin ako. Mga almost an hour din ako naghintay. Pero okay lang naman kasi yun(sa umpisa.. haha!). So yun nga nagkita kami at nanuod kaming movie together, the ring.. Yun lang kasi maganda, na hindi pala kasi horror na naging comedy, puro kami tawa at ako naman puro tili. Last full show ang pinanuod naming kaya halos walang tao. Ayun, Masaya naman at marami siyang tawa sakin dahil nga ako lang ang maingay dahil nagugulat talagah ko. Nag.gongcha din kaming dalawa J at sandaling tumambay sa arcade kahit di naglaro, sabi niya next time daw na kita naming dapat di na naming pag-usapan ang past or exes naming dalawa. Masaya siyang kasama. Gentleman kasi sobra, yung tipong feeling mo sobrang nirerespeto ka niya. Walang bahid ng kamanyakan sa kanya. Dun din nabuo ang tawagan naming akane and takanori. Dahil nga yung girl dun sa movie, malakas ang boses parang ako, na halos ikahiya na ko ng mga friends ko kasi, wagas akong makatawa at malakas talaga boses ko, samantalang si takanori eh artist ka2lad niya. So somehow we felt like the characters in the story. Pero nabago din yun at naging ririh at ninih. J Para lang maiba at madaling sabihin. Ririh dahi ri ang huli ng takanori, tapos akane naman sa ninih dahil “ne”, pero panget kaya ginawang “ni”.

Nagkachat kami ulit, nasa work ako nun.. sinabi ko na may gusto ko pero di ko sure kung gusto ako.. Na gusto rin siya ng mga kaibigan ko. Pinipilit niya kong paaminin kung sino ba  yung nasa gm ko.. na nagpapalusot pa ko, pero hindi siya nacoconvince hanggang sa sabi niya, sige siya daw muna magsasalita.. Sabi ko yung taong gusto ko hindi naman ako gusto, dahil may gusto siya sa friend ko, malabo ang lahat. umamin siya sakin. Sna gusto niya ko.. na he find me interesting, masaya kasama, maganda.. at ako naman siyempre umamin na siya eh, umamin na sakin ang taong gusto ko ihh, papakipot pa ba? Pero ang tagal ko nagreply nagpanic nga yata siya, kasi sobrang inubos ko muna yung kilig ko dahil sobrang saya ko ng mga oras nay un.. at after ilang minuto nagreply ako sa kanya.. so mutual ang feeling. Sobrang saya ko ng araw na yun. Ang dami kong kilig. Pati officemates ko kinikilig sakin, kasi nga sobrang pula ko nun ng umamin siya sakin. Akala ko sa bez ko siya may gusto, pero sabi niya front lang daw niya yun at syempre mas maraming alam si bez sakin. So ayun nga..Gusto niya iclose para sakin. Nagkaayaan ulit. Gongcha somewhere North Edsa. Syempre di naming alam pano aarte, pero sobrang parang iba yung feeling kasi nga nakakakilig lang na makita siya after ng confession. Lahat ng yun, sinusulat ko sa diary ko, lahat talagah! nasiyahan naman siya, kwento.kwento at best feeling ever. Nagpunta pa nga kami sa may bandang mauupo kaming dalawa sa floor then nakasandal ako sa kanya then, wala lang  masaya lang, tapos tawa lang kaming dalawa. Masarap sa pakiramdam na gusto ka ng gusto mo.  After namin tumambay, pauwi na syempre pero ayoko pa, ayaw pa rin niya. Pero wala ihh. Nag-abang kaming bus, hihintayin niya kong makasakay, pero sabi ko, hatid niya ko, at pumayag siya.
J So ayun sa bus tabi kami, makailang ulit niyang inamoy ang buhok ko ang bango daw kasi ihh.. and he landed a few kisses on my forehead. J super sweet. Tahimik lang kami but that was the most romantic moment ever, yung silence is way better dahil we could feel each other’s presence.

He then decided after a couple of days to court me. Sabi ko kasi pag pumayag na kong magpaligaw, di na ko nagpapaligaw sa iba. Yun na talaga. Exclusive na ko sa sinumang pinayagan kong manligaw. Ilang araw pa ang lumipas bago finally pumayag na kong ligawan niya ko. Marami siyang tanong, sa family,etc. Saan ang bahay naming ganun. Nagplano kaming mag-Intramuros. Gala.gala lang. Nakakatawa kasi di naming alam parehas ang lugar, at may muntikan pa kong madulas so napakapit ako sa kanya. At meron ding instance na nagkahawak yung parehas naming small fingers. J Nag print siya ng map ng Intramuros kaya yun ang sinundan naming. Pagpasok naming Fort Santiago, ayun nagholding hands kami, and he has the warmest hand sa lahat ng nahawakan ko ang kamay. Sarap lang sa feeling. Iba yung feeling na yun, ng maghawak kami ng kamay.Naglibot kami, masaya, sweet. Meron pa nga kaming tinulayan. Mga bato na magkahawak ang kamay naming, tapos lagi siyang nahuhulog, hehe.. Then nagstaykami sa parang ewan, basta may shed, at may upuan.. So ayun, nagstay kami dun, then tinanong niya ko kung maaga pa ba para sabihin na “mahal na niya ko”. Sabi ko oo maaga pa. Pero di dun umikot ang conversation. Hanggang sa nilakad naming simula dun, hanggang Rizal Park, then from Rizal Park nagpunta kaming SM Manila at nanuod ng movie.  That day was the most special one dahil a yun ang pinakahuling araw na gusto pa rin niya ko more than friends. Yun ang pinakahuling araw na nakapagsulat ako sa diary ko. Tungkol sa masayang araw na yun ang huling laman ng mga pahina ng diary ko.  L

Yung tipong sobrang saya na tapos babawiin pala sa bandang huli.. Pero ako ang may kasalanan malamang.

After that very special day, nagkagulo, natakot ako.. di ko alam, I still believe he has something with his ex, so I told him to stop courting me, na hindi ko kaya and he got really mad. Actually the real reason was natakot ako na hindi ko magawang lagi siyang mapasaya. Natakot ako na magsawa siya sakin. At di ko rin ako nag-expect na ganung kabilis din siya susuko at aayaw o papaya sa gusto ko. Ang totoo nun, nagselos ako sa ex niya, dahil buong araw parang wala siya sa mood then nung gabi, nagkatext kami na may problema nga. Baka umalis na yung ex niya, mag-ibang bansa, so malamang sad siya. Sinubukan kong wag magselos. Pero sige pa rin siya sa kwento na parang di ako nasasaktan. At eto naman ako kung makapayo na okay lang yun, etc. After nun, di ko natiis, nagtext ako na ayoko na. Grabee, ang hirap lang sigurong magpigil ng selos at sakit, so yun nagburst out yung feelings. Sinabi kong tumigil na siya at kung anu-ano pa. Wala na siyang nasabi kung hindi okay then he says thank you for everything sa lahat ng nagawa ko for him, etc. like the movies, gongcha, ferriswheel, umbrella, candies.. kailangan niya daw malabas lahat.. para mawala na yung nararamdaman niya for me. Sobrang nabadtrip daw siya na after ko siyang dalin sa happiest part ng buhay niya eh bibitawan ko siya at hahayaang lumagapak. Ayaw niya ng magulo, ayaw na rin niya. Wag ko na rin daw siyang tatawaging Takanori or Ririh at di na rin niya ko tatawaging Ninih o Akane. Buburahin niya na lahat ng texts at pics ko sa phone niya. Lahat tatanggalin niya na. Gusto niya kong malimutan agad. Dahil nasaktan ko rin siya ng sobra. Di ko nasabi agad kung bakit ako nagkaganun, pero dahil yun sa selos. Gusto niyang maexhaust at wala ng maramdaman.Hindi niya daw alam kung may tao pang makakapagpasaya sa kanya gaya ng nagawa ko.  And ako naman was like, crying the whole time, wanting to take back my words, pero sabi niya, tama na.. ayaw niya ng magulo, bahala na ko sa buhay ko… Sobrang nabadtrip siya at nagalit sakin that time. Sobrang sumasakit ang ulo daw niya sakin. So that’s where our short love story ended.

L L L

After that night, I asked him to meet me up.. I want to meet him in person para sabihing sorry, na I still want him back, ayoko ng regrets kaya gusto kong subukan ulit lahat at sabihing di ko kayang mawala siya, because he is all I want. Sa kanya lang ako naging sure na gusto kong maging 3rd and last na lalaki sa buhay ko. And then that unfaithful night came, he was so cold, his eyes, gestures, everything. He wanted to go out of the moment as early as possible. He doesn’t want to see me. Gusto niya lang masoli sakin yung mga bagay na nabigay ko sa kanya na memories. He was still annoyed. Simpleng presensya ko lang eh ayaw na niyang maramdaman.  I told him everything na natakot lang ako, na affected ako sa ex niya, family, friends, everything. Pero the main reason na nagselos ako dahil sa hindi ko kinaya lahat ng kwento niya is di ko nasabi. Other reasons are just excuses. Sinabi ko rin na gusto kong subukan ulit, but he told me, ayaw na niya.. paulit-ulit, ayaw na niya.. I asked him if we could like be close friends, sabi niya hindi. In due time siguro, pero di pa agad-agad. Imposible ang hinihingi ko sa kanya. Bago kami umuwi I asked him if I could hold his hand. He refused. Sabi ko kahit last na.. then he allowed me, but like his glare, his hand was cold as ice.  Then we part ways. Malapit na birthday niya so I gave him something dahil nga di na rin naman kami magkikita. Ramdam ko yung galit niya sakin at disappointment. And that made me really upset.

After that night, I still act the way as before, yung normal lang, ayain siya, but lagi niya kong tatanggihan, sasabihin niya busy, etc. Then he had the post celebration of his birthday with his friends. So that day I decided na since he is meeting his friends, I might as well had my own gala. So ganun nga., alam kong lagi silang sa Trinoma, so we decided to go south, sa Moa.. And accidentally!!! Wtf! Sa dinami-dami ng tao sa moa, yung tipong pauwi na kami! I saw him with his friends! His bestfriend na girl na nagustuhan niya for 4 years, pero sabi niya wala na daw ngayon. And his facial expression was really shocked! And he was flashing that smile na sobrang saya at di makapaniwalang nagkita kami dun. And I was like giving him the fakest smile ever! Dahil kaya nga ko nagsouth ihh, dahil gusto kong kalimutang nagpapakasaya na siya, na masaya na siya wala ako, wala na ko sa buhay niyia! Tapos ganun? Makikita ko siya? Diba? Nakakatuwa lang? Mapaglarong tadhana! Bakit ako pa ang napagtripan naman! So after nun, parang di niya alam kung sasama ba siya samin or hindi, dahil nagstay din sila malapit samin at lumapit pa siya sakin. Pero since siya ang nag-aya sa mga kasama niya, hindi niya pwedeng bastang iwan, parang gusto pa niyang makipagkwentuhan sakin, and ako naman eh sobrang nabwibwiset dahil ayoko siyang makita! Dahil masakit, dahil nasaktan ako sa lahat ng sinabi niya sakin, dahil mahal ko siya, at siya hindi na niya ko gusto, kahit gusto ng alang ihh, wala. Umuwi na kami, pero bago yun nagbreak down pa ko, sobrang umiyak ako sa harap ng friends ko, as in sobra.. Nagulat din sila, kasi di talaga ko umiiyak ihh, kaso ayun.. Nasobrahan ako sa pagtitiis at pagngiti sa kanya, kaya di ko na nakaya at umiyak na ko. Tapos tama ba naming pati yung bus na sinakyan namin is the same bus na sinakyan namin dati nung kasama namin siya sa moa! --,

Nang nakasakay na kami sa bus nagtext siya “destiny”.  And ako naman, “destiny your face!” Ayoko siyang replyan. Badtrip talaga ko na parang sa kanya, wala lang talaga ang nangyari samin, na nasaktan niya ko, at napaiyak. Parng gusto niya maging okay lang ako agad dahil okay siya! Duh! Mahal ko siya! Ako di niya ko mahal kaya malamang madali siyang makakakalimot! Ako hindi! Then when I got home, nagtanong  siya kung nakauwi na ba kami, kasi sila hindi pa. Then ayun, nagpakaplastik ako sa text na parang okay lang lahat. Again, habang umiiyak ako sa sobrang badtrip at sakit ng nararamdaman ko, kung bakit gusto ko pa rin siya!

Ilang beses ko siyang sinubukang iwasan, pero andyan kasi ang internet, di ko mapigilang hindi siya ichat, o kaya naman bisitahin ang profile niya, nakakabangag. Ayoko na! Ang hirap kasi! Yung tipong napaka casual niya makipag-usap sakin. At sobrang bait niya. At alam kong friendly lang siya, kaya ganun pa rin siya sakin. Dumating sa point na double ouch ako ng tanungin ko siyang, kung gusto ko pa rin ba siya iiwas siya sakin. Ang sagot niya ay, “oo, kailangan eh, di ka makakamoveon”.  So kunyari hindi ko na nga siya gusto. Dahil natakot akong mawala siya sakin. At dun parang namanhid ako at nakuntento na okay lang sakin ang pagiging friendzone. :(

Kuhanan ng tor sa school, actually sobrang late na naming kukuha, nagkatext kami na sabay kaming kumuha, so after ng “friends na lang talaga” na incident magkikita ulit kami ng kami lang. So ayun, nagkita kami, niyaya ko siyang sumama samin sa laser tag, ang problema, may mali sa records niya, so need niyang bumalik ng school. Pero sumama pa rin siya samin. Pinakilala ko siya sa officemates ko at sinabihan ko ang officemates ko na wag ng magtanong dahil malamang wala na siyang feelings sakin at pag pinagdiinan pa niyang walang something samin, sapul na naman sakin yun diba? Manhind ba ko?? Martir? Duh! Pag ganun, malamang sasapul at supalpal yun! Apir! Ng bumalik kami sa school para kunin ang tor okay naman lahat, tumulay pa nga kami sa kailan lang binuksan ng mini intramuros. Masaya kaming magkasama, kwentuhan, tawanan.. kung pwede lang tumigil na dun ang oras..Bumili kaming coke float at naupo somewhere at tinitigan ang mga dumadaan at sobrang tawa siya sakin dahil nga binabara niya ko sa lahat ng sasabihin ko. After nun, nabuo rin ang tawagan naming pineapple at lychee dahil na rin sa mogu.mogu na inumin. Dahil pinag-awayan naming kung ano yung bits sa drinks na yun. Na parehas kaming mali dahil nata de coco yung nandun or coconut jelly para medyo sosyal.

So after nun, feeling ko mas naging komportable pa siya sakin as friends. Nagkwekwento na naman siya tungkotl sa mga future dates niya, etc. Close At dahil dun, lalo pa kaming naging close. Nasira yung pc namin, nanghiram ako sa kanya ng installer, so malamang sa malamang we have to meet somewhere. So yun nga, nag.gongcha lang.. then nag-arcade kaming dalawa sa Trinoma. Masaya kasi tawanan lang kami, ulit.., nagpadl ako sa kanya ng game na nilaro namin sa Trinoma, kasi sobrang natuwa talaga ko, para siyang taptap na medyo mas maganda kasi malaki ihhh.  After nun, nagkita pa rin ulit kami sa megamall. Di ko pa masosoli yung cd, dahil di ko dala ng araw na yun, pero okay lang sa kanya. Siya naman manlilibre nung mga oras na yun. Wala ng meaning ang pagkikita naming, because he is meeting girls, na friends niya lang din. Having coffee and conversations lang. Alam kong ayaw pa niyang umuwi pero wala na rin kaming mapuntahan kaya no choice. Pero bago kami makauwi nagkaasaran pa kami dahil nga biniro ko siya nun sa Paulo niya. Tinanong niya sakin kung bagay sa kanya ang Polo niya sabi ko “ang cute ng Polo mo”. So niloko niya rin ako sa floral kong palda. --,

Alam kong gusto niya ng company ko pero di na niya ko gusto more than friends, Masaya lang siya dahil napapatawa ko siya at napapagaang ko loob niya. Ala fz nga ang role dre.

Hanggang sa dumating ang instance na nagkausap kami. Nag-unli call kasi ko dahil may problema ang isang friend ko. Then tinawagan ko siya. At siguro yun ang pinakapalpak na pagtawag ko.. Dahil sa pagkakataong yun nalaman ko na totoo pala ang “pangarap lang kita”. Nagkwento siya na may nagugustuhan siyang bago, akala niya di na niya ulit yun mararamdaman. Sinabi niya rin na gusto niyang kilalanin pa yung babae. At Masaya rin tong kasama, di niya inaasahang kapag niyaya niya eh sasama to, kaya natuwa tlaga siya, na di pala maarte, etc.  Yung moment na tuwang-tuwa siyang magkwento! Takte! Ang sakit diba! Ako naman eh ang  Plastic! Sabi ko pa…  “I’m so happy for you, finally”. Wheeeeww!!!  At ang girl na to nab ago niyang gusto ay walang iba kung hindi si Cathy, the girl who invited him to her birthday party na tinanggihan niya dahil samin. He likes him so much. Full effort sa lahat, nagpapalakas at papogi.

Ewan ko kung sinadya ba ng panahon na nung mga oras na yun eh may pangtapat ako sa kanya? Tawagin na lang natin siya sa pangalang Noah. Highschool mate kakwentuhan lang at nakakatuwa kausap, di ko siya gusto, sakto lang. Pero parang nahurt yung pride ko at puso ko sa sinabi ni Paul at kailangan ko ng escape, so buti nandyan si Noah, at sinabi ko kay Paul na natutuwa ako kay Noah.. Kahit ang totoo, si Paul parin ang gusto ko. Pinilit ko siyang paniwalain sa idea na gustung-gusto ko si Noah, pero hindi, para lang pakita sa kanya na hindi ako nasasaktan or para hindi niya isiping gusto ko pa siya. Noah and I are good friends, nagkikita kami pero walang spark or anything else. It is just pure friendship. Sabi nga ni Paul kung siya daw si Noah eh hindi niya na ko pakakawalan, sabay bawing “kaso hindi ako siya eh”(kaya ba pinakawalan mo ko? Dahil hindi ikaw si Noah?), supalpal lang dun diba?

After nun, umiyak na naman ako, may bago ba dun.?  Haha! “Yung mega kwento siya na kinikilig siya, tapos ikaw sa kabilang linya umiiyak habang sinasabing—talaga? Ang galing, ang sweet, kakilig!”. Ayoko na siyang makita as much as possible, kasi masakit ihh, so nagdecide akong kitain na siya agad, para isauli ang installer, kung pwede ko nga lang padala na lang. So nagdecide kaming sa moa na lang magkita, kasi galing akong cavite game naman siya, tapos ayun masaya naman, gusto kong gawing memorable yung last na kita naming na yun. Last na kitang mahal ko pa siya.

Nagkita kami, ayun, nauna siya. Haha! Tapos sabi niya ang dami daw tumitingin sakin, haha! Paano ba naman, malamang nakashorts ako nun tas longsleeves, J taray lang ng datingan. So nagchatime muna kami, then lakad.lakad.. tumingin kami ng oras ng movie, then matagal pa so nagupunta kami sa seaside, bumiling potato corner then buko. Umupo sandali, kwentuhan ulit.. Tapos bumalik na kami sa mall, bumili ng ticket.. sa loob ng movie  house, nakasandal ako sa kanya, it was the sweetest ever, then he got my hand to somehow embrace his arms ( yung tipong hawak ng ihahatid na ng tatay niya yung anak na babae sa altar. Nagulat ako nun, at alam kong nagulat din siya kung bakit niya nagawa yun, pero patay malisya na lang kami parehas. Medyo umayos ako ng  pagkakaupo, tinanggal ko yung kamay ko, then, sumandal na lang sa kanya. Sabi niya wag daw akong matulog. After ng movie, ayoko pa ring umuwi. Sinubukan naming bumalik ng seaside, pero umulan so bumalik kami. Sandali akong napahanga sa nakita kong view ng ferriswheel from the foot bridge, we took shots to come up with the perfect one. And we had it. J I made it my phone’s wallpaper, office pc and home desktop wallpaper. And fb cover photo. And on our way home, sumandal din ako sa kanya. Cause simply because I know it’s the end. He told me the words, “ang swerte ng magiging boyfriend mo”. (joke ba yun? Kasi hindi nakakatuwa! Pwedeng ikaw na lang yun. Pero ayaw mo. )J Then when I got off the bus, lumingon ako and saw him looking at me, I smiled and waved goodbye. J

And from there I know where I stand—a dear friend. The closest to him so far. The one na matatakbuhan, makwekwentuhan, makakasama niya. Nothing more than that. Sinubukan ko siyang pagselosin, pero ako lang ang nasasaktan sa huli ihh.. Kasi hindi na siya apektado. Dahil wala na talaga. Kapag binabalik niya ang nakaraan or anything about the past. Ayoko ng marinig, ayokong maalala, ayokong isipin dahil alam kong yung feelings ko nun, yung saya, yung kilig eh hindi matatapatan ng kahit ano pa. At di niya malalaman ang halaga sakin nun, dahil alam kong sa kanya, masasayang alaala lang yun, but for me it’s more than just  that.  After ng lahat he told me how he is falling for the girl, every time I have a conversation with him, it’s always about the girl. And yung moment na gusto kong  kausapin si Noah, may problema naman to sa ex niya kaya wala din. Ayoko na rin kasing tawagan si Paul, dahil again, yung masayang araw niya lang at si girl ang pag-uusapan naming nothing more than that. And he still wanted to go out with me just to tell how happy he is. Walang meaning kahit sinasabi niyang gusto niya kong makita because he told me twice that he was so over me. And sakit sa feelings and so as my ego was also affected. And the one time pa tumawag ako sa kanya, he told me that we are so close together na parang kami na ang magbestfriend. Bestfriend!! Bestfriend! BESTFRIEND! Sabi ko diba may bestfriend ka na? sabi niya bestfriend sa salita pero di naman nagpaparamdam ako daw laging andyan para sa kanya at sinusuportahan siya. Sabi niya rin sakin siya na bahala sa diskarte niya sa babae. Feeling naman niya tutulungan ko silang magkatuluyan? Siyempre hindi pero di ko rin naman pipigilan. Bahala siya kung saan siya masaya. Maybe our love story was really meant for a short time only.

Wala pang ending ang friend zone story ko. Pero  siguro mag-eend kapag naging sila na. This is soon. J
Wala ihh sure win na sa girl si Paul. Ayoko na rin umasa, gusto ko na lang hintayin yung moment na finally gustuhin ko na rin siyang kalimutan. I know mahalaga ko sa kanya, because reality check, I’ve been a really good friend to him. A really, really good one, pero di lang yun dahil mabait ako, yun ay dahil gusto ko pa rin siya. Pero wala ihh. Yung closeness naming, yung pagiging makulit, yung tawanan, lahat… dahil lang friends kami, walang malisya, kahit ano. Siguro nga kahit akitin ko pa siya, masuka lang siya. Dahil di niya papatulan ang bestfriend na ang turing niya.

So ano na? Iyak na lang tayo? Pero one thing I’ve learned, nasasaktan ako dahil minahal ko ng sobra ang taong di nakalaan para sakin. Minahal ko yung taong nakareserba na pala para sa iba. J


2 comments:

  1. A very long entry indeed. Read every word and it bored me to death.

    ReplyDelete