Thursday, June 6, 2013

why a sad afternoon?

bakit ganun?
pinipili nating mahalin yung taong kung itrato tayo parang basura..
yung hindi ka pinapahalagahan..
yung palagi ka na lang taken for granted..
yung di iniisip kung nasasaktan ka ba..
kung napapasaya ka ba niya..

bakit ganun?
dumadating sa puntong pati ang ibang nagmamalasakit satin ng totoo
eh nababaliwala na natin..

pagod na ko masaktan
pagod na ko umiyak
pagod na kong umasa
pagod na kong mabalewala
pagod na kong matake for granted
pagod na kong mamalimos
pagod na kong mag isip
pagod na kong magselos
pagod na kong umintindi
pagod na kong mamilit

ayoko na mag isip
di ko na kayang magalit
di ko na kayang makaramdam pa ng ibang pakiramdam bukod sa masakit...
at wala na kong iba pang mararamdaman o kaya pang maramdaman sa mga oras na to
kung hindi masakit..
yung kahit ano pang mangyari.. lahat masakit..
yung di ka na mag-iisip..
o di mo na alam ang nangyayari sa paligid..
basta masakit lang..

yung kahit marinig mo siyang sabihin na iloveyou or tama na iiwan na kita
isa lang ibibigay nun..
luha..
at luha pa..
at maraming-marami pang luha..

bakit ba hinayaan kitang masaktan mo ko ng ganito
bakit ba hinayaan ko ang sarili kong masaktan mo..

yung tipo mo yung pinakainiwasan ko buong buhay ko..
dahil magkaiba tayo ng mundo.
not knowing sa isang tulad mo pa ko maiinlove.
mahuhulog
mapapamahal ng sobra..
sa tulad mo pa..
di kasi kita agad nakilala..
hanggang sa tumagal at dun ko nakita yung tunay na ikaw..

every girl wants a guy na proud sa kanya..
na ipagmamalaki siya kahit kanino..
or should i say majority of women.. gusto ng ganun.
one in a million lang ata ang ayaw..

in that way mapaparamdam ng guy ang love niya sa girl..
by just being proud of her..

gusto kong matutunan ung ginagawa ng mga babaero..
ng mga liberated na babae..
yung chill lang.. yung kahit makipag kiss or do sa ibang guy..
walang mararamdamang kahit ano..
yung tipong cool pa rin sila..

kaya lang iba ko ihh..
mahal ko..
at siya lang..
buong love na kaya kong ibigay..
laging ganun..
di na ko natuto..
siguro kung may natutunan man ako..
hindi yun na hindi ko na ibibigay lahat..
rather natutunan kong itago yung nararamdaman kong sakit..
at magpanggap na walang pakielam..

konti na lang mamanhid na yung puso ko..
pero di ba yun maganda?
baka maging man hater nga lang ako..
baka mawalan na ko ng tiwala sa mga lalaki
baka isara ko na lang yung puso ko
kahit si mr. right na yung kumakatok..

kasi namanhid na ko sa sakit..
kasi sobra na..

palagi ko na lang sinasabi
"the only one who could heal your broken heart is the one who caused it to break.."

siya lang, wlang ibang pwede..

:'((

ang sad.sad ng post ko..
di ako makatulog
pero gusto ko matulog..
para makatakas sa katotohanan
an escape from reality..


ayoko ng basahin yung message mo..
isa lang din naman ang laman nun..
sasabihin mo na naman
"hindi ako marunong umintindi"
"napakitid ng utak ko"
"na hindi pwedeng laging ako na lang"

pero kahit minsan ba naging laging ako?
kahit minsan ba inintindi mo yung nararamdaman ko?
kahit minsan ba naisip mo kung gaano na ko nasasaktan ng dahil sayo?
kahit minsan ba naramdaman mo na pagod na ko kakaintindi?

oo alam ko na yung laman ng message mo..
isama mo pa yung
"sige kung yan ang gusto mo, bahala ka na"

yung totoo?
hindi ko alam ang gusto ko.
basta masakit..
yung lang yung alam ko ngayon..
yun lang ang naiintindihan ko..
yun lang ang nararmdaman ko..

kung kaya ko..
at dapat kayanin ko.
tiisin ka na lang..
hanggang sa tuluyan na nga akong mamanhid..

tapos d ko na alam..
di ka rin naman maghahabol
di ka rin naman manunuyo..

gaya ng sabi mo kapag di na ko nagparamdam
mag momove on ka na..
na kaya ka lang nagstay dahil di kita iniiwan

kaya sabi ko nun..
"pano pag di na ko nagstay?
saka ka lang aalis"

sabi ko ang
ang totoong love, walang reason..
walang reason kung bakit mo pinipili yung tao..
dahil sa oras na magkaroon ng rason..
pag nawala ang rason na yun..
mawawala din ang love

eh kapag wala kang reason bakit mo mahal ang isang tao..
wala ring dahilan para mawala ang love mo.
sa case mo.. reason mo for loving me is because im staying..
once im gone..
gradually mawawala na din yung feelings mo..

siguro it's better this way..

hahayaan ko na lang makapagmove on ka..

titiisin kita kahit sobrang mahal pa kita.. dahil
sooner or later.. mawawala na din ang feelings mo..

di mo ko mahal paggising ko isang araw..

haha..
natatawa ko..
yung plastik na tawa..
isipin pa lang kasi..
sobrang sakit na..
kahit sa isip lang..
di ko na alam kung kaya ko pa..
ang sakit lang..
pero wala ako magagawa..

kapag sinasabi mong nagsasawa ka na..
o napapagod ka na..
masakit..
para kasing sinasabi mong..
pagod ka ng mahalin ang isang tulad ko..
pero ako?
masakit na mahalin ka..
pero takte..
diamond yata ang puso ko..
kahit sobrang nasasaktan na..ayaw tumigil na mahalin ka..

haha ang korni lang.

ang tapang ko magsulat noh?
di mo na naman kasi babasahin toh ihh..
alam kong hindi..
di mo hilig magbasa..
at di ka rin naman interesado na alamin kung ano na bang nangyayari sakin..

siguro kung sakaling mabasa mo toh..
dun ko lang mapapatunayang mahal mo nga ako..
siguro..

hindi ko alam...
:')
iiyak na lang tayo..

someday matatapos din toh
nanghihinayang lang din siguro ko sa mga naplano na natin.
mga ginusto natin..
o pinangarap..
kung meron ka man..

ako kac dami..
agad-agad..

inhale.exhale..

kaya ko pa ba?

tara ? let's be single like forever..
hahaha!

di ko kasi lam if kaya ko pa..
sakit kaya!!!


No comments:

Post a Comment